-- Advertisements --
Ibinunyag ni ng actress na si Rihan Ramos na nagpositibo ito sa COVID-19.
Sa kaniyang Instagram account, ipinakita nito ang positive test result ng kaniyang COVID-19 test.
Kasabay din nitong nagpapagaling ang kaniyang road manager na si Rach Librado.
Kuwento nito na nakaranas siya ng lagnat kaya agad silang nag-isolate.
Matapos ang ilang araw ay nalaman na lamang niya na nagpositibo ito base sa resulta ng test.
Gumaganda na rin ngayon ang kaniyang pakiramdam matapos ang ilang araw na isolation.