-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan pa ring naka-lockdown ang Rural Health Unit Tumauini, Isabela matapos tamaan ng COVID-19 ang ilang kawani .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Arnold Bautista ng Tumauini na sa mga nakalipas na araw ay tuloy tuloy ang isinagawang pagbabakuna sa mga Senior Citizens sa kanilang bayan.

Umabot anya sa mahigit 3,000 na matatanda ang nabakunahan na.

Sinabi ni Mayor Bautista na matapos ang araw araw na pagsasagawa ng pagbabakuna ay mayroong operators ng vaccination center at ang mga regular na naka-duty sa RHU Tumauini ay kinapitan din ng COVID-19.

Sa ngayon ay naka-isolate ang dalawang midwives at isang nurse.