-- Advertisements --
image 231

Personal na inirekomenda ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang aktres na si Ria Atayde bilang susunod na spokesperson ng ahensya.

Tinanggap naman raw ni Atayde ang offer kaya naman nag sumite na si Artes ng endorsement letter sa Malacañang.

Ayon kay MMDA Chair Artes, si Atayde ay kwalipikado naman dahil siya ay communications graduate sa La Salle at ang experience naman raw nito ay sapat na upang magampanan ng maayos ang trabaho bilang spokesperson.

Dagdag pa ni Atty. Artes, ang pagiging celebrity ni Atayde ay magiging beneficial raw sa ahensya lalo na sa information dissemination.

Si Atayde raw ay alam kung paano ihandle ang kritisismo at ang responsibilidad bilang spokesperson ng ahensya.

Una na rito, si Atayde ay kapatid ni Arjo Atayde na kasalukuyang Quezon City 1st district representative.

Kung maaalala naman sa ngayon ang OIC spokesperson ay Atty. Melissa Carunungan.