-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni Ria Atayde ang kaniyang pagbubuntis na siyang unang anak nila ng asawang si Zanjoe Marudo.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan nila habang nasa beach at hawak nito ang baby bump niya.

Isinabay niya ang nasabing balita sa Father’s Day kung saan binati nito ang asawang si Zanjoe.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa iba’t-ibang fans at sa mga kasamahan ng dalawa sa showbiz.

Magugunitang noong Marso ng ikinasal ang dalawa.