-- Advertisements --

Isinilang na ng actress na si Ria Atayde ang panganay nila ng asawang si Zanjoe Marudo.

Sa social media account ng actor ay ipinakita na nasa delivery room na ng isang hospital ang asawa.

Ni-repost naman ng ina ng actress na si Sylvia Sanchez ang post ni Zanjoe ay masayang ipinamalita sa mga followers na isa na siyang lola.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kasamahan nila sa showbiz.

Magugunitang noong Marso ay ikinasal ang dalawa matapos ang ilang buwang magkasintahan.