Kontento si Rica Peralejo sa piniling tahimik na buhay may pamilya, kapalit ng pagtalikod sa pagiging sikat na sexy star noon.
Pahayag ito ni Rica kasunod ng pag-amin sa ilan niyang pinagsisihan gaya ng kanyang breast implant noong siya ay 18 years old pa lamang ngunit ipinatanggal din pagsapit ng 2017.
Ayon sa ngayo’y 39-year-old actress turned vlogger at hands on mom, nakahinga siya ng maluwag nang magbalik ang kanyang totoong katawan at napagtanto na hindi pala nakaka-proud na minsan siyang naghubad sa harap ng big screen.
“That means I really bared some parts of my body and did some really horrifying, not-so-proud-of things on screen just so we can give something for our producers for a movie,” pagbabalik-tanaw nito sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Si Rica ay 19-years-old pa lamang nang unang sumabak sa daring role sa pelikulang “Balahibong Pusa,” nasundan pa ng “Ang Dos Ekis” (2001), at “Hibla.”
Naging “turning point” naman ng kanyang buhay pagtungtong ng 25-years-old kung saan dumalo siya sa isang Christian service.
Ito ang naging daan para makilala ang napang-asawang pastor na si Joseph Bonifacio hanggang sa ikinasal noong January 2010 at ngayo’y may dalawa na silang tsikiting.