-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsimula na ang rice repacking activity ng LGU-Pigcawayan, Cotabato para sa ikalawang bugso nang pamamahagi nito.

Nabatid na abot sa 3,864 na sako ng bigas ang inilaan ng provincial government ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco para sa bayan ng Pigcawayan.

Inaasahang sisimulan ang pamamahagi ng ayudang bigas ngayong linggo.

Labis naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan sa pamumuno ni Mayor Jean Dino Roquero kay Catamco.

Dagdag pa alkalde, pagkatapos nito ay mayroon pang aasahan ang mga Pigcawayanon na rice assistance na magmumula naman sa LGU.