-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Ipinagmalaki ng Department of Agriculture Regional Office 5 ang magandang performance sa first quarter ng taon para sa produksyon ng palay at mais sa Bicol sa kabila ng pagtama ng mga kalamidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DA Bicol information officer Emily Bordado, umakyat sa 12.55% ang produksyon ng mais at 7.93% sa palay kumpara sa nakalipas na taon ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority.

Malaki ang naiambag sa produksyon g lalawigan ng Albay at Camarines Sur.

Umakyat nama sa 10,000 metric tons ang mula sa Albay habang 13, 112mt sa Camarines Sur.

Isa sa mga tinitingnan na rason sa naturang pagtaas ang pagiging disaster resilient ng mga Bicolano at good practices na isinagawa bago pa ang pagpasok ng kalamidad.

Dagdag pa ng opisyal na nasa 114% ang rice self-sufficiency ng rehiyon sa nakapilas na taon at nagagawa pang magpadala sa Metro Manila at Visayas.