-- Advertisements --

Patuloy naman na pinapalawak ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang programa na “Rice-for-All” kiosk sa mga pangunahing pamilihan at ilang estasyon ng tren na nagbebenta ng P40 na halaga ng bigas.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, magtatalaga ng karagdagang 10 lokasyon pa para sa Kadiwa ng Pangulo kiosk. Sa ngayon kasi ay nasa 24 na ang kabuuang bilang ng mga kiosk sa Metro Manila sa patuloy na pagpapalawak ng programang ito.

Kabilang sa mga lokasyong nadagdag sa listahan ay ang Langaray Market, Kaunlaran Market at Phase 9 Bagong Silang Market sa Caloocan City. Agora Market sa San Juan City, Kalentong Market at Addition Hills Market sa Mandaluyong, Munos Market, Marikina Public Market, Navotas Agora Market at New Marulas Public Market sa Valenzuela City.

Samantala, siniguro naman ng DA na sa sisimulan na sa susunod na taon ang paglulunsad ng mga ito sa mga probinsiya para maabot ang mas maraming konsumer na makikinabang dito.