Magsisimula na ngayong araw ang “Rice For- All” program ng Department of Agriculture o ang pagbebenta ang murang bigas.
Sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, na ang mga well-milled na bigas ay ibebenta sa “Rice -For-All” program sa halagan P45 kada kilo o mas mura ng P51 haggang P55 sa bentahan ng mga imported na bigas.
Magsisimulang ibenta ang nasabing mga bigas sa apat na Kadiwa Sites na matatagpuan sa Bureau of Plant Industry sa lungsod ng Maynila, sa Potrero sa Malabon, Llano Road sa lungsod ng Caloocan at FTI sa lungsod ng Taguig.
Mabibili din sa nasabing mga kadiwa ang P29.00 kada kilo ng bigas.
Magugunitang iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na magiging permanente na ang Kadiwa store at ito ay palalawakin.