-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagbabala ang Department of Agriculture sa mga rice hoarders sa rehiyon 12 matapos makarating sa kanila ang impormasyon na may mga rice traders o negosyante na nagtatago ng bigas sa halip na ibenta ng mura sa ngayon na nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19 pnademic.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay DA-12 Regional Director Arlan Mangelen, nararapat umano na bigyan ng atensyon ang mga ganitong klaseng sitwasyon para masunod ng tama ang pagbebenta ng bigas sa mga merkado batay naman sa suggested retail price.

Dagdag pa ng opisyal na sa ganitong panahon kailangan umano sumunod ng mga ito sa mga protocol dahil narin sa kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa COVID 19.

Sa katunayan, inirekomenda na nila sa Taskforce COVID ang pagbibigay ng mabigat na parusa sa mga rice hoarders.

Sa ngayon, mas hinigpitan pa nila ang pagmonitor sa mga bigasan sa rehiyon 12 at pagbibigay ng tulong sa mga magsasasala na apektado ng enhanced community quarantine.