-- Advertisements --

Umabot sa 2.0 million MT ang rice imports ng bansa sa unang limang buwan ng 2024, batay sa datus na inilabas ng Bureau of Plant Industry (BPI).

Sa naturang datus, lumalabas na umakyat ng 20.3% ang inangkat ng Pilipinas na bigas kumpara sa volume ng bigas na inangkat ng bansa sa unang limang buwan ng 2023.

Ito ay katumbas ng 1.97 million MT mula sa 1.64 million MT noong nakalipas na taon.

Sa buwan na lamang ng Mayo, ang rice deliveries sa bansa ay umabot sa 299,258.01 MT

Sa panig naman ng BPI, sinabi nitong nakapaglabas na ito ng kabuuang 4,066 sanitary at phytosanitary import clearance sa mga accredited importe ng bigas.

Nananatili namang pangunahing supplier ng bigas ang bansang Vietnam kung saan umabot na sa 1.44 million MT ang naipasok nito sa Pilipinas sa naturang period.

Ang nasabing volume ay katumbas ng 72.9% ng lahat ng rice imports ng bansa.

Samantala, sunod sa Vietnam na pangunahing supplier ng Pilipinas ay ang bansang Thailand, Pakistan, at Myanmar.