-- Advertisements --

Naabot ng Pilipinas ang all-time high rice import o pinakamataas na bulto ng bigas na binili sa ibang bansa, mula nang sinimulan ang pag-angkat.

Batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), pumalo sa 4.68 million metric tons (MT) ng bigas ang inangkat ng Pilipinas noong 2024, dahil na rin sa mababang domestic supply.

Ito ay halos 30% na mas mataas kumpara sa 3.61 million MT na inangkat ng bansa noong 2023.

Nananatili pa rin ang Vietnam bilang top supplier ng bigas sa Pilipinas.

Kabuuang 3.56 million MT ng bigas ang inangkat ng Pinas sa naturang bansa. Ito ay katumbas ng halos 75% ng kabuuang rice import ng Pilipinas sa naturang taon.

Ang nalalabing 25% ay pinaghati-hatian na ng Myanmar, India, China, Japan, Cambodia, Taiwan, Italy, at Spain.

Maaalalang naapektuhan ang lokal na produksiyon ng bigas sa Pilipinas dahil sa magkakasunod na bagyong dumaan sa bansa, kasama na ang pag-iral ng El NiƱo phenomenon.