Inaasahang tataas ng 20 percent sa record high na 3 million metric tons (MMT) ang rice imports ngayong taon.
Sinabi ng United States Department of Agriculture (USDA) na tumaas ang purchases para sa pag-aangkat ng bigas matapos na alisin ng gobyerno ng Pilipinas ang quantitative restriction (QR) sa sa bigas dahil na rin sa implementation ng Republic Act (RA) 11203, o ang Rice Tarification Law.
Marso 5 nang tanggalin ng Duterte administration ang QR sa bigas at nilimitahan ang papel ng National Food Authority sa pag-buffer ng stocks o supply.
Sa kanilang buwanang global grains situation report, sinabi ng USDA na kanilang naobserbahan ang mabilis na galaw ng shipments, partikular na ang mula sa Vietnam, matapos na maipatupad ang Rice Tarification Law.
Dahil dito, binago ng USDA ang 2019 import forecast nito para sa Pilipinas mula sa naunang tinatayang 2.8 MMT.
Batay sa datos ng USDA, noong nakaraang taon aabot sa 2.5 MMT ang inangkat na bigas ng Pilipinas.