-- Advertisements --
Matapos magpatawag ng pagpupulong si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa higit isang dosenand Rice Industry Stakeholders, napagkasunduan ng mga ito na magtulongan para mapababa ang presyo ng bigas.
Ayon kay Laurel, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. maghahanap sila ng paraan na mapababa ang presyo ng bigas sa palengke.
Dagdag pa ng kalihim, nais ng pangulo na mapagaan ang financial strain sa mga mahihirap na mamimili.
Una nang iniulat na sumipa ang global prices ng bigas mula nang ipagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati rice noong Hulyo ng nakaraang taon at kasabay na rin ng mga epekto ng El Niño sa suplay ng bigas.