CENTRAL MINDANAO – Isinagawa ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute (DA-ATI) katuwang ang Technocal Education and Skills Development Authority (TESDA XII) ang Traning Induction Program of Production of high-quality inbred rice and seed certification and farm mechanization sa Pigcawayan, Cotabato.
Layon ng naturang programa na mapalakas ang produksyon ng local rice farmers sa pamamagitan ng pagtaas ng ani kada ektaryang sakahan sa mababang gastusin lamang.
Unang isinagawa ang programa sa Brgy. Bulucaon na dinaluhan ng ilang mga rice farmers sa nabanggit na barangay.
Sa pahayag ni Mayor Jean Dino Roquero, malaking tulong umano ang naturang programang ipinakaloob ng DA-ATI at TESDA upang mapataas ang rice production level sa Pigcawayan.
Hinimok naman ni Roquero ang mga rice farmers na magtulungan para sa masaganang ani.
Magpapatuloy naman ang programa sa iba pang barangay ng Pigcawayan sa mga susunod pang mga araw.