Posibleng umabot sa 527.62 million MT ang kabuuang produksyon ng palay sa buong mundo ngayong taon, ayon sa United States Department of Agriculture(USDA).
Ang naturang projection ay bahagyang mas mataas kumpara sa 527.60 million MT na naging produksyon sa buong mundo noong nakalipas na taon.
Ang pagtaas, ayon sa USDA, ay dahil na rin sa mas malawak na sakahan sa India na tinamnan ng mga palay.
Sa kasalukuyan, ang mga pangunahing bansa na may mataas na produksyon ng palay ay ang China, India, Bangladesh, at Indonesia, at Vietnam.
Batay sa record, ang produksyon ng palay sa China ay mahigit 210 million MT, at halos 200 million MT naman ang galing sa India.
Samantala, ang inaasahan namang aabot sa 12.7 million MT ang production ng bigas sa Pilipinas ngayong taon.