Tiniyak ng mga rice retailer ang pagbebenta nila ng bigas sa murang presyo o nasa P45 kada kilo simula sa buwan ng Hulyo.
Sa isang pagpupulong, sinabi ni Grain Retailers Confederation of the Philippines spokesman Orly Manuntag na nakahanda silang tulungan ang gobyerno na mapahupa ang epekto ng inflation at matulungan ang mamamayan na maramdaman ang epekto ng pagbaba ng taripa sa bigas.
Sa pagtaya naman ng rice traders, inaasahang ang presyo ng well milled rice para sa Hulyo hanggang Agosto ay bababa ng 25% o nasa P45 hanggang P46 kada kilo habang sa premium rice naman ay 5% na mas mababa o P47 hanggang P48 kada kilo.
Una na ngang nakipagkita ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement na pinangungunahan nina Manuntag at Sadicon kay House Speaker Romualdez nitong Lunes kung saan tinalakay ang mga paraan para mapababa ang retail price ng bigas.
Kung matatandaan, noong Hunyo 20 inisyu ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang isang Executive Order 62 para sa pagtapyas ng ipinapataw na taripa sa mga inangkat na bigas sa 15% mula sa 35% hanggang sa taong 2028.
Base sa economic managers, maaaring mapababa nito ang presyo ng bigas sa P29 kada kilo.