Tinatayang nasa P5 billion ang naibulsa umano ng mga rice trader simula ng ipatupad ang Executive Order 62 na nagpahintulot sa pagtapyas ng taripang ipinapataw sa mga imported rice.
Sa isang statement, sinabi ni Federation of Free Farmers (FFF) national manager Raul Montemayor na hindi gaanong gumagalaw o bumaba ang retail price ng bigas na nangangahulugn na naibulsa ng mga importer, wholesaler at retailers ang halos P5 bilyon sa savings. Sinabi din nito na ang mgaa ito at hindi ang mga konsyumer ang totoong nakinabang sa mababang taripa.
Inihayag din ni Montemayor na nakatipid ang mga rice importer ng P6.70 kada kilo mula sa mahigit 800,000 tonelada ng imported rice na dumating mula noong Hulyo hanggang kalagitnaan ng Setyembre na nabili sa mas mababang taripa.
Itinanggi naman ni DA Sec. Francisco Laurel Jr. ang alegasyon bagamat aminado siyang hindi pa malawakan ngayong nararamdaman sa mga lokal na merkado ang P5 kada kilo hanggang P7 kada kilo na pagbaba ng bigas na pagtaya ng economic managers ng Marcos administration.