-- Advertisements --

No regrets sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na itinuloy ang kanilang pag-iisang dibdib, isang taon na ang nakakalipas.

Nabatid na halos sabay ang kanilang first wedding anniversary nitong March 14, at ang unang taong anibersaryo rin ng quarantine sa Metro Manila, ngayong araw.

Kaugnay nito, nag-post ng kanilang throwback wedding pictures ang 37-year-old actor, at ipinahayag ang kahandaan sa dadaanan pang mga pagsubok na kanila raw malalampasan ni Lahbati basta’t magkaramay.

Sa panig ng 27-year-old actress, patungkol din sa “ups and downs” ang mensahe nito kay Richard kalakip ang wedding video.

Kapwa napagtanto ng celebrity couple na “unpredictable” ang pandemya kaya idinaos pa rin ang simpleng civil ceremony na kanilang isinapinal sa loob lamang ng isang gabi.

Ngayong taon sana ang kanilang engrandeng kasal pero ayaw madaliin ang anomang bagay, bagkus, ay focus ang pag-iingat muna kontra deadly virus.

Sa ngayon ay may dalawa nang anak sina Gutierrez at Lahbati.