-- Advertisements --
Pinayuhan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang dating katambalan nito sa showbiz na si Sharon Cuneta dahil sa mga batikos mula sa netizens.
Sinabi nito na dapat tanggapin na lamang nito ang katotohanan na may mga tao na gusto nila ang isang artista habang may ilan na ayaw sa kanila.
Aminado ito na may panahon na nasasaktan ito sa mga batikos kaya napipilitan na itong sumagot.
Nagagawa rin niya minsan na i-delete o iblock minsan ang mga bashers niya.
Magugunitang kinasuhan ng Megastar ang ilang mga netizens na nagbanta ng masama sa kaniyang anak.
Ikinumpara din nito ang nangyayari sa tunay na buhay sa buhay showbiz kung saan kayang sagutin ang mga batikos.