-- Advertisements --

Nanawagan ng pagdarasal ang kampo ng jazz singer na si Richard Merk na nasa pagamutan.

Itinakbo kasi sa pagamutan ang 66-anyos na singer matapos na ma-stroke ito habang natutulog noong Pebrero 11.

Ayon sa kapatid nitong si Rachel Anne Wolfe, na kasalukuyang nagpapagaling ang singer sa Makati Medical Center.

Humihingi ng pagdarasal para sa agarang paggaling nito.

Maging ang kapwa singer nito gaya ni Richard Reynoso ay nanawagan din ng pagdarasal para sa paggaling ni Merk.

Noong 2018 ay na-ICU na rin ang singer dahil sa pagiging diabetic niya.