Kinondena ng mga ride-hailing na kumpanya angnaging pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungkol sa umano’y sobra-sobrang bilang ng mga riders na hindi sumusunod sa motorcycle taxi pilot implementation program ng gobyerno.
Ayon sa programa, dapat ay nasa 45,000 na mga motorcyle taxi riders lamang ang nasa National Capital Region (NCR) , 9,000 para sa Cebu at 9,000 para sa Cagayan de Oro. Ang kabuuan nito ay kailangan pang paghati-hatian ng tatlong ride-hailing motorcycle taxi companies ng bansa.
Kaya naman, kaugnay nito, nag-issue ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause orders para sa dalawang ride-hailing services na natuklasang lumabag sa alokasyon ng mga riders.
Ayon sa isang CEO ng ride-hailing na kumpanya na si George Royeca, nagkaroon aniya ng redistribution noon kaya naguluhan din ang kumpanya sa dapat na kabuuan na bilang ng mga riders ngunit pagtitiyak niya na nakapagpasa naman sila ng pruweba ng pagababago sa kanilang guidelines na nakaayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Patuloy na hinihintay ang magiging tugon pa ng isang kumpanya para sa naturang mga alegasyon.