-- Advertisements --

Nahuli ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation ang isang pasaway na rider na dumaan sa EDSA busway.

Ayon sa ahensya, nagpakilala ang lalaki bilang isang Philippine National Police -Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Nang hinuli at pinatabi ito dahil sa iligal niyang pagdaan sa naturang busway dahil bibigyan na ng tiket ay bigla na lamang itong nagmadali upang kuhanin ang susi mula sa kanyang motor.

Matapos nito ay kaagad itong sumakay ng taxi at nagdahilan na may hinahabol umano itong hearing.

Samantala, base sa isinagawang imbestigasyon ng nasabing ahensya ay nagpagalaman nila na expired na ang rehistro ng lisensya nito.

Kaya naman kasalukuyang dinala sa impounding area ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang motorsiklo.