-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY- Rido o away pamilya ang tinitingnang motibo sa pamamaril patay sa isang tricycle driver sa Fil-Am Road, Barangay Fatima nitong lungsod.
Kinilala ang biktima na si Dante Macasalong na residente ng Olarte Village, Brgy. Labangal, GenSan.
Sa nasabing pamamaril ay nadamay pa ang isang 6 yrs.old na batang babae at iba pang dalawang katao ang sugatan.
May person of interest na ang pulisya sa nasabing krimen.
Ayon kay Acting City Director Col. Jomar Alexis Yap ng General Santos City Police Office pinatutukan na nito ang serye ng shooting incident sa lungsod.
Nakikiramay ito sa mga naulilang pamilya ng mga biktima at sinabing gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya para sa mga biktima.