Muling kinondena ni US Secretary of State Mike Pompeo ang pag-atake sa Saudi oil fields na sumira sa kalahati ng oil production ng bansa matapos ang drone attack na hinihinalang ginawa ng Iran.
Makasisigurado raw si Crown Prince Mohammed bin Salman na suportado ng US ang karapatan ng kaniyang bansa na depensahan ang kanilang lupain sa kahit anong pagtatangka na guluhin ito.
Ayon pa sa US top envoy, hindi raw palalampasin ng Amerika ang insidente na naging sanhi upang mangamba ang oil refineries sa buong mundo ng oil shortage sa kani-kanilang mga bansa.
Nanawagan din si Pompeo na suportahan ang Saudi sa kanilang pagnanais na tumulong ang mga international experts sa isinasagawang imbestigasyon.
Ang pagpapasabog aniya sa Saudi Aramco ay maituturing na “act of war” dahil sa layunin nitong sirain ang seguridad pati na rin ang paralisahin ang suplay ng enerhiya sa buong mundo.