-- Advertisements --

Ilang linggo bago ang kanyang pagre-retrio inanunsyo na ni Philippine National Police (PNP) chief police Gen. Oscar Albayalde ang panibagong rigodon sa kanilang hanay.

Bunsod daw ito ng naka-schedule na retirement bukas ni PNP deputy chief for administration na si Lt. Gen. Fernando Mendez, Jr. na siyang pangalawa sa pinaka-mataas na posisyon sa loob ng tanggapan.

Kabilang sa mga na-promote sa pwesto si National Capital Region Police Office chief police Major Gen. Guillermo Eleazar na uupo na bilang hepe ng directorial staff.

Papalit naman sa mababakanteng pwesto ni Eleazar si Central Visayas regional police chief B/Gen. Debold Salinas.

Habang si Lt. Gen. Archie Gamboa naman na kasalukuyang ikatlong pinakamataas na opisyal ang papalit kay Mendez.

Samantalang si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang papalit kay Gamboa.

Usap-usapan na ang pangalan ng nina Gamboa, Cascolan at Eleazar bilang mga contenders umano na papalit kay Albayalde bilang PNP chief.