-- Advertisements --

Posibleng matuloy na sa Abril ang laban ni John Riel Casimero kay Guillermo Rigondeaux.

Ayon kay Rigondeaux, 40, isang magandang kalaban si Casimero, 30, para sa WBA at WBO belt.

Itinuturing kasi ng Cuban fighter ang Pinoy boxer na isang magaling ng boksingero at malaki aniya ang respeto nito sa kaniya.

Sumikat si Rigondeaux nang talunin niya si Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong taong 2013.

Pero nakalasap naman ito nang pagkatalo sa kamay ni Vasily Lomachenko noong 2017.