-- Advertisements --
Nagsama sina Rihanna at Twitter CEO Jack Dorsey sa pagtulong sa mga biktima ng domestic abuse sa Los Angeles City.
Ibinigay nila ang $4.2 million sa Mayor’s Fund ng LA.
Sa pamamagitang ng Clara Lionel Foundation ng singer at ng Twitter CEO inanunsiyo nila ang nasabing donasyon.
Ang nasabing malaking donasyon ay base sa ulat na mayroong 90 katao ang itinataboy sa domestic violence shelters sa L.A. kada linggo.
Gagamitin ang pera sa pabahay, pagkain at counseling ng 90 victims kada linggo sa loob ng 10 linggo.
Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay nagbigay ng ilang bilyon dolyar na donasyon para sa coronavirus relief efforts ang Twitter.