-- Advertisements --

Iniurong na ng singer na si Rihanna ang kaso nito sa sariling ama.

Inakusahan kasi ng singer ang amang si Ronald Fenty ng paggamit ng kaniyang kasikatan.

Nagbunsod ang pagkaso nito sa ama noong 2019 dahil sa false advertising at invasion of privacy.

Sinubukan pang i-book ang singer sa ibang bansa ng hindi niya alam.

Ang nasabing pag-atras na ng kaso ng singer sa ama ay isinagawa ilang linggo bago ang gagawing pagdinig.

Maghaharap sana ang mag-ama sa korte sa darating na Setyembre 22 para sa nasabing kaso.