-- Advertisements --
Isinilan na ni Rihanna ang ikalawang anak nila ng asawang si A$AP Rocky.
Ayon sa kampo ng singer na nanganak ito noong Agosto 3 sa Los Angeles.
Lalaki umano ang kasarian nito at hindi pa binanggit ang pangalan.
Magugunitang noong Pebrero ay inanunsiyo ni Rihanna ang kaniyang pagbubuntis matapos ang kaniyang pagtanghal sa halftime show ng Super Bowl.
Unang isinilang ang anak ng dalawa noong Mayo 13, 2022 na lalaki at pinangalanang si RZA Athelston Mayers.