-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Rihanna matapos na ma-acquit ang asawa nitong rapper na si A$AP Rocky.

Napatunayan kasi ng mga jury sa California na ito ay hindi guilty sa dalawang felony counts ng assault gamit ang semiautomatic na baril.

Nangyari ang insidente sa Los Angeles noong 2021 ng barilin ng rapper ang kaniyang kaibigan.

Sa social media account ni Rihanna na ang labis ito ng nagpapasalamat dahil sa awa.

Kasama ng singer na dumalo sa pagdinig sa paghatol sa rapper ang dalawang anak nila na sina RZA na 2-anyos gulang at Riot na 1-taong gulang.

Nagsimula ang kanilang relasyon ng magsama sila sa kantang “Cockiness” noong 2011.