-- Advertisements --

Muling nagtala ng panibagong record ang singer na si Rihanna.

Ito ay matapos na makatanggap siya ng apat na diamond plaque mula sa Recording Industry Association of America (RIAA).

Dahil dito ay mayroon na itong kabuuang pitong diamond certification.

Ang mga kanta na nakatanggap na diamond-certification ay ang “Umbrella”, “Work”, ” Needed Me” at ang 2012 na kanta nitong “Stay”.

Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan ni Rihanna ang kaniyang mga fans dahil sa pagtangkilik sa mga kanta nito.