-- Advertisements --

Ipinasilip na ni Rihanna ang kaniyang bagong album na ilalabas.

Sa isang panayam sa kaniya ay nagbigay ito ng mga ‘hints’ kung ano ang maaaring matunghayan ng mga fans nito.

Hindi naman nito binanggit kung kailan ito maipapalabas at mabibili ng mga fans.

Magugunitang huling naglabas ng album ay ang pang-walo nito na “Anti” noong pang taong 2016.

Bukod sa pagiging abala sa kaniyang fashion at beauty products ay mayroon din silang dalawang anak ng rapper na si A$AP Rocky na kamakailan ay pinakawalan ng korte matapos mabasura ang mga kaso.