-- Advertisements --

Pasok na sa billionaires list ng Forbes magazine ang singer na si Rihanna.

Pumapalo na sa mahigit $1.7 billion ang kabuuang yaman nito para maging pinakamayang babaeng musician sa buong mundo.

Ang nasabing yaman niya ay hindi lamang galing sa kaniyang music career at sa halip ay mula sa kaniyang Fenty Beauty na inilunsad noong 2017.

Kinuha nito ang pangalan ng kaniyang cosmetic brand sa tunay nitong pangalan na Robyn Fenty.

Ayon sa Forbes na karamihan sa yaman nito ay mula sa kaniyang cosmetic brand na mayroong yaman na $1.4 billion.

Pangalawa si Rihanna sa pinakamayamang babaeng entertainer na sumusunod sa host na si Oprah.