-- Advertisements --

Nasa pangatlong puwesto sa pinakamayamang singer si Rihanna sa listahan ng Sunday Times Rich.

Umaabot kasi sa $76 million ang kabuuang yaman nito na ang iba mula sa tagumpay nito sa fashion at cosmetics brands.

Nahigitan ng 32-anyos ang ilang mga British artists gaya nina Mick Jagger at Keith Richards ng Rolling Stones, Elton John at Rod Stewart.

Nagtabla naman sa pangalawang puwesto sina musical composer Andrew Lloyd Webber at dating The Beatles member Paul McCartney na kapwa mayroong 800 million pounds.

Habang nasa unang puwesto si Ed Sheeran na itinuturing na pinakabatang musicians ng Britanya.