-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang sanhi ng pagkasunog ng power rectifier ng riles sa pagitan ng Katipunan at Anonas stations nitong araw.
Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, posibleng mabawasan ang mga istasyong seserbisyuhan ngayong araw ng LRT Line 2 habang inaayos ang nasunog na riles.
Pasado alas-11:00 nitong umaga nang magsimula ang sunog, na siyang sanhi ng pagpapahinto sa mga nabiyaheng tren at pagpababa sa sakay na mga pasahero.
Wala namang naitalang nasugatan o kalapit na establisyementong apektado ng insidente.