-- Advertisements --
Tinanggal na ring girls sa rematch fight nina Andy Ruiz at Anthony Joshua.
Ito ay bilang respeto sa kultura ng Saudi Arabia ang lugar kung saan doon gaganapin ang laban sa Disyembre 7.
Mahigpit kasi ang batas sa Saudi Arabia lalo na sa kanilang pananamit at ito ay mahigpit na pinagbabawal sa mga dayuhan doon.
Dahil sa nasabing batas ay nagdesisyon ang promoter ng laban na tanggalin na lamang ang ring girls na siyang may dala ng numero kung anong round na ang nasabing laban.