-- Advertisements --

Balik sa pagiging undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating acting Sec. Eliseo Rio Jr.

Ito’y matapos pormal nang italaga si dating Sen. Gringo Honasan bilang kalihim ng ahensya.

Oktubre 2017 nang italaga si Rio bilang officer-in-charge sa ahensya kapalit ng dating kalihim na si Rodolfo Salalima na tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto kasunod ng mga reklamo kaugnay sa umano’y pagpabor nito sa ilang mga malalaking tele-communication companies.

Samantala, July 1 naman ang nakalagay na petsa sa appointment ni Rio bilang DICT undersecretary kasabay ng kanyang boss na si Sec. Honasan.

May bago ring itinalaga si Pangulong Duterte na Communications assistant secretary sa katauhan ni Ryan Vincent Uy na kagaya nina Honasan at Rio ay July 1 din ang effectivity ng appointment.

Bago magsimula ang Cabinet meeting kagabi, pormal nang nanumpa si Honasan kay Pangulong Duterte.