Nagpakawala ng putok ng baril at water cannon ang Dutch authorities para balaan ang mga nagpoprotesta matapos na sumiklab ang riot bilang protesta sa panibagong ipinapatupad na COVID-19 measures sa Rotterdam, Netherlands.
Paliwanag ng tagapagsalita ng Dutch authorities, life threatening na aniya ang nangyayaring riot kaya’t nagpakawal ang mga ito ng warning shots kung saan nasa dalawang katao ang naitalang nasugatan.
Kaugnay nito, pinagbabato at sinunog ng mga protesters ang mga police vehicles.
Nauna rito, nagtipun-tipon ang daan-daang mga protesters para ipakita ang kanilang pagtutol at galit sa kanilang gobyerno dahil sa planong pagpapatupad ng COVID-19 pass at pagbabawal ng fireworks sa new year’s eve.
Nitong nakalipas na linggo, nagpatupad ng tatlong linggong partial lockdown ang The Netherlands dahil sa surge ng COVID cases.
Kasalukuyang nakasailalim ngayon sa state of emergency ang Rotterdam at isinara ang pangunahing station bunsod ng nangyaring riot.