-- Advertisements --
image 72

Binigyang diin ni Pope Francis sa Easter Vigil na pinangunahan mismo ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang paanyaya na ang bawat tao ay muling buhayin ang pananampalataya at bumangon sa bagong buhay.

Inihalimba dito ang buhay ng mga babaeng pumunta upang silipin ang libingan ni Hesus ngunit nagalak na hindi na nila nakita pang muli ang katawan, ang kanilang hinagpis ay napalitan ng saya.

Ayon pa kay Pope Francis, kung minsan ay nilalamon ang isang tao ng kalungkutan na siyang pumapatay sa pag-asa nito.

Ngunit kung mapapansin umano, nang makita ng kababaehan ang wala nang katawan sa libingan ay agad itong nag madali upang ibalita na ang Diyos ay muling nabuhay, dito makikita ang muling pag usbong ng kanilang pag-asa, ang bagong simula.

Ang muling pagkabuhay ni Hesus ang nag uudyok sa tao na magpatuloy ng mayroong pag-asa at saya.

“This is what we are asked to do: to remember and go forward! If you recover that first love, the wonder and joy of your encounter with God, you will keep advancing. So remember, and keep moving forward.” saad pa ni Pope Francis.

Lagi umanong alalahanin ang calling ng Panginoon at saka magpatuloy.

“Remember and keep moving forward, and rediscover the grace of God’s resurrection within you!” sinabi pa ni Pope Francis sa kanyang pagtatapos ng mensahe.