-- Advertisements --

Malapit nang maabot ni Rishi Sunak ang 100 Member of Parliament nomination na kailangan para makapasok sa karera para maging susunod na Conservative leader at prime minister.

Ang dating Chancellor ay may 93 endorsement mula sa Tory MPs sa ngayon, kahit na sinabi ng source ng campaign na umabot na siya sa 100.

Ang dating pinuno na si Boris Johnson, pangalawa na may 44 supporters, ay nakahanda na sumali sa paligsahan at lilipad na ito pabalik mula sa isang holiday sa Caribbean.

Si Mr Sunak ay nakakuha ng suporta mula sa ilang mga senior na kasamahan, kabilang ang dating chancellor at health secretary na si Sajid Javid, Security Minister Tom Tugendhat at dating health secretary Matt Hancock.