Umupo na bilang bagong British Prime Minister si Rishi Sunak matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay King Charles III sa Buckingham Palace.
Sa kaniyang inaugural speech sa labas ng No 10 downing street kung saan nakabase ang official residence ng British PM, sinabi niya na ang UK ay nahaharap sa isang “malalim na krisis sa ekonomiya” at siya ang napili bilang bagong pinuno ng Tory upang ayusin ang ilan sa mga pagkakamali ni dating PM Liz Truss.
Tumagal ng anim ng limang minuto at 56 na segundo ang kauna-unahang talumpati ni Sunak bilang PM.
Ito ang itinuturing na ikalawang longest inaugural speech kumpara sa lahat ng mga naging talumpati ng mga incoming PMs sa nakalipas na dekada maliban kay dating PM Boris Johnson noong 2019 na nagtagal ang speech ng 11 minuto at 13 segundo.
Sinimulan na rin ni Sunak ang pagtalaga ng miyembro ng kaniyang Gabinete.
Sinalubong naman ang bagong PM ng pagbibitiw ng daalwang Cabinet ministers na sina Jacob Rees-Mogg, isa sa most loyal supporters ni Boris Johnson na nagbitiw bilang business secretary habang si Brandon Lewis nagbitiw rin bilang justice secretary.
Samantala, sa maikling talumpati naman ni Liz Truss bago ito bumaba sa pwesto, ipinagtanggol niya ang kanyang administrasyon sa pagtatangkang isulong ang pagtapyas ng buwis at iginiit na kailangang maging matapang bilang isang lider.