-- Advertisements --

Patay matapos maaksidente ang rising-cycling star ng Germany na si Jan Riedmann sa edad 17.

Ayon sa koponan nito, bumangga ito sa isang kotse habang nagbibisekleta sa Sugenheim sa southeastern Germany.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na nito nakayanan dahil sa dami ng sugat na natamo nito mula sa aksidente.

Isa si Riedmann na miyembro ng WorldTour team Bora-Hansgrohe’s feeder squad.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang International Cycling Union (UCI) sa pagkasawi ng German cyclist.