-- Advertisements --

Binigyang pagkilala ng American business magazine na Forbes ang rising Pinoy boyband na SB19.

Sa naturang feature ay sinabi ng Forbes na mula sa pagkuha ng inspirasyon sa Korean pop culture, ay nagawang ihatid ng grupo sa international music scene ang Filipino world-class talent.

Ito rin ay kasabay ng tagumpay ng grupo, na kauna-unahang Filipino act na napabilang sa Top 10 ng Social 50 ng Billboard.

Sa naging exclusive interview ng Star FM Baguio sa SB19, sinabi nila na naniniwala silang kayang-kaya ng Pinoy na makipagsabayan internationally at proud silang dalhin ang pangalan ng Pilipinas gamit ang kanilang musika.

“Kayang-kaya naman ng Pilipinas na gumawa ng grupo. Kaya po nating lumevel sa international,” ani ng miyembro na si Stell Ajero.

Inamin rin nila na malaki man ang naitulong at impluwensiya ng K-pop sa kanilang grupo dahil sa kanilang training sa ilalim ng Korean entertainment company na ShowBT, masaya pa rin silang makilala bilang isang Pinoy group.

“Nag train kami under Korean company. Kinuha namin yung mga good points sa Korea. Ginamit din namin yung pagka-Pilipino namin, to collaborate it, para mas mag improve. We produced something unique,” saad ni Justin De Dios.