-- Advertisements --

ILOILO CITY – Wala nang gagawin pang last minute preparation si Pinoy boxing legend at eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang laban kay WBA “super” welterweight champion Yordenis Ugas.

Sa exclusive panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Franklin ‘Jeng’ Gacal, legal counsel ni Pacquiao, sinabi nito na isang araw bago ang WBA welterweight championship bout, nag-lie low na sa training at nagpapahinga na lang ngayon ang people’s champ.

Ayon kay Gacal, bastante si Pacquiao sa mga pagkaing mayaman sa protina kagaya ng tinolang manok at beef.

Sinabi nito na nag-bible study rin si Pacquiao at maagang natutulog.

Samantala, hindi naman pinapayagan ang boxing fans na makapasok sa silid ni Pacquiao dahil sa pinapatupad na COVID-19 protocols.

Nilinaw naman ni Gacal na kahit nag-withdraw ang orihinal na kaaway ni Pacman na si Errol Spence Jr. dahil sa torn retina at isang southpaw boxer, hindi magiging problema ang pagka-orthodox boxer ni Ugas.