BAGUIO CITY – Isinagawa ang tradisyunal na “daw-es” sa bahagi ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet kung saan natagpuan ang walong bangkay noong nakaraang linggo.
Isinagawa ang tradisyunal na cleansing ritual para ma-appease o mapayapa ang mga patay at para na rin sa kabutihan ng mga volunteers na nagsagawa ng two-day search and retrieval operations.
Pinangunahan ng “mambunong” o native priest ang ritwal kung saan nag-alay sila ng aso.
Isinasagawa ang “daw-es” sa Cordillera sa mga insidente ng massive death.
Nag-alay din ng panalangin ang native priest para sa mga namatay para maiwasan ang kaparehong insidente at para na rin sa kabutihan ng mga volunteers.
Binuhusan ng native priest ng tubig ang lupa bago nila inilibing ang aso sa bahagi ng search and retrieval area.
Inorganisa ng mga stakeholders at ng local government unit ng Tuba, Benguet ang ritwal para malinisan ang isip ng mga nakasaksi sa massive death kasabay ng isinagawang search and retrieval operations.
Matapos ang “daw-es” ay isinunod ang ritwal na “pammakan” para hilingin ang tulong ng mga ancestral spirits para matamo ang peace of mind ng mga nagsagawa ng search and retrieval operations.