CENTRAL MINDANAO-Malaking tulong ang river riprapping sa mga kailugan sa North Cotabato.
Ito mismo ang kinumpirma ni Carmen North Cotabato Mayor Moises Arendain.
Sa termino ni dating Cotabato Governor Emmylou”Lala”Taliño Mendoza at ngayon ay Bise-Gobernador ng probinsya ng Cotabato ay kasama sa kanyang mga proyekto ang river-riprapping o pagsesemento sa gilid ng Pulangi river.
Sinabi ni Mayor Arendain na hindi na nakaranas ng pagbaha ang bayan ng Carmen.
Dati ay matindi ang nararanasang baha sa probinsya tuwing umaapaw ang Pulangi river at sa ngayon ay bumaha man ay hindi kasing lalim noong wala pang riprap sa ilog.
Minungkahi ng alkalde na sana magtulungan ang mga lokal na opisyal ng probinsya at national government sa river riprapping na malaking tulong sa panahon ng baha.
Minungkahi rin ni Mayor Moises Arendain ang dredging operation sa mga kailugan sa Central Mindanao na may pondo na dati sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ngunit na-divert sa ibang proyekto.
Mababaw na anya ang Pulangi River,Rio Grande de Mindanao,Liguasan Marsh at Allah River kaya umaapaw.
Kailangan na anyang i-pursige ang dredging operation sa mga kailugan at ituloy ang nausyaming proyekto ng pamahalaan.