-- Advertisements --

Plantsado na ng OPM iconic band na Rivermaya ang kanilang North America tour.

Gaganapin ito sa pitong lungsod ng North America mula buwan ng Setyembre at Oktubre.

Mula kasi ng pumatok ang kanilang reunion concert noong Pebrero ay nagpasya ang mga miyembro na sina Bamboo, Mark Escueta, Nathan Azarcon at Rico Blanco na magsagawa ng mga show sa US at Canada.

Labis naman natuwa ang banda dahil sa dadalhin nila sa buong mundo ang naging saya noong reunion concert sa Pebrero sa bansa.

Ilan sa mga lugar na tutunguhin nila ay sa Vancouver, Canada sa Setyembre 8; Toronto, Canada sa Setyembre 13; Red Deer, Alberta sa Setyembre 14; New York City sa Setyembre 21 ; Temecula, California sa Setyembre 22,; Los Angeles, California sa Oktubre 4 at San Francisco, California sa Oktubre 6.