-- Advertisements --

Tuloy na ang muling pagsasama-sama ng 90′ s Filipino rock band na Rivermaya.

Ayon sa promotion company na LiveNation, gaganapin ang reunion concert ng grupo sa Pebrero 17, 2024 sa SMDC Festival Grounds.

Magsisimula silang magbenta ng tickest sa darating na Nobyembre 17, 2023 ng alas-3 ng hapon.

ang pinakamurang presyo ng ticket ay P2,550 sa bronze, P6,550 sa silver, P11,750 sa gold at P14,750 sa VIP.

Ipinakita sa posters ng reunion concerts ang mga larawan nina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Mark Escueta at Nathan Azarcon.

Ikinadismaya naman ng ilang mga fans ang hindi pagsama sa orihinal na gitarista nila na si Perfecto De Castro.

Pinasikat ng banda ang mga kantang “214”, “Ulan”, “Awit ng Kabataan” at maraming iba pa.